
◇ Muli na naman na lilisan sa bayan n'ya'ng sinilangan. Upang magtrabaho doon sa kanluran. Magpapa-alila, magpapaka-babà. Matupad lamang, pangarap na nawala... Ngunit sa bawat paglisan ay may naiiwan. Maiiwan'g walang gabay, walang pagmamahal, walang patnubay. At sa bawat panahon na lumipas na buhay. Sa muling pagkikita. Sabog-sabog ang kulay... Magkahalong saya, inis at kaba. Gusto'ng umiyak na gusto'ng manumbat. Ngunit damdamin sadyang 'di makunat. Kaya'ng gamutin ng pasalubong at lapad... Tangi'ng namamagitan sa dasal at panalangin. Buti may telepono at 'internet' na rin. Madali lang magkamustahan. Madali lang ang usapin. Madali lang kumaway. Madali lang humiling... Pero kailangan pa ba na magkahiwalay? Ano ba ang dahilan at ikaw ay naglakbay? Wala ka bang puwang sa lipunang pasaway? O ano nga ba'ng talaga, bakit ka buma-bay-bay? Bye-bye.. Bye-bye... Bye-bye... ◇◇◇◇◇◇◇◇

China Service Mall
China Service Mall
China Service Mall
^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento