TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 9, 2009

"Kristo"



Kristo kung ikaw ay tawagin. Simula't sapul, ikaw na ang kapiling. Hinihilingan na maging butihin. At bukas ay..., ipapa-pako rin.
Sunud-sunod taun-taon. Paulit-ulit na isusu-ong. Itong dulang pananampalataya, paniniwala sa poon.
At sa linggo ay muling mabu-buhay. A-akyat sa langit, doon maglalakbay. At sa kanyang pag-babalik tayo raw ay isasabay. Saka, ihihiwalay, ang mabubuti at pasaway....
<IMG SRC="http://affiliate.wutravel.com/affiliate/scripts/sb.php?a_aid=a70c1926&a_bid=0e347153" WIDTH="1" HEIGHT="1" BORDER="0" ALT="" ><a href="http://www.wutravel.com/http://affiliate.wutravel.com/affiliate/scripts/t.php?a_aid=a70c1926&a_bid=0e347153&desturl=http://acyatan.blogspot.com" alt="compare hotel price more than 40 sites"><img src="http://banners.wutravel.com/20080812/cheap-hotel-price.gif" border=0 /></a>




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento