
★Kayod kalabaw sa taon ng kalabaw. Pati ito'ng mga bata, 'di maka-laro, trabaho muna daw. Mag-hakot ng pang-gatong, pang-ulong sa araw-araw. Kay malapit na ang tag-ulan. Ang kailangan, mainit na sabaw..
Tag-hirap daw sa taon na ito. Pa-iyakan, ang mag-hanap ng trabaho. Ang iba ay nagtatang-galan, nagba-bawas ng empleyado. Bilihin ay nagma-mahal. Ang iba nama'y bagsak presyo...
Kung meron ka daw pera, e mag-tayo ng negosyo. Kung mayaman ka nama'y, mag-patayo ng monumento. Kay mura ang materyales ng bakal at semento. Pwede mo pang tawaran kung marami ang 'yong gusto...
Tipid-tipid kung ikaw ay yagit. Ang buhay sa syudad ay sa patalim ang kapit. Kung sa sampu, walo ang may sakit. Asahan mo ang gulo, away at pait...
Mabuti pa'y umuwi sa probinsya. Kung dito sa syudad ay wala kang kita. Aliwin si nanay, tulungan si tatay. Bungkalin ang lupa'ng katangi-tangi'ng alay...
★♀△▲△△▲△♂★
.
China Service Mall
China Service Mall
China Service Mall
.

.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento