
★ Magbasa! Buksan ang isip sa pagbabasa. Huwag maging mang-mang sa tuwi-tuwina. Nang hindi maiwanan ng mundo'ng walang pahinga...
Ang oras ay tumatakbo. Hindi tumitigil,kailan ma'y 'di humihinto. Ikot ng ikot, sa kalawakan ng misteryo...
Pamana ng nakaraan, ito'ng aklatan. Na kung saan ang kasakukuyan, ay ang s'yang makikinabang. Para sa maayos at matatag na kinabukasan...
Sayang naman ang isip kung hindi ginagamit. Mabuti pa ang 'cellphone' may 'memory stick'. Hindi nakakalimot. Kahit sagad pa sa 'music'...
Hindi naman sa nang-mamaliit tayo. Gusto lang naman natin lahat tayo ay matuto. Kung ano man ang dahilan at ba't tayo'y nan'dito. Ay pagbutihin na natin nang ang lahat ay umasenso...
Yung baga'ng walang naiiwan, wala ng mga bobo. Walang gago, wala rin'g sira-ulo. Walang mapanlabis, walang manloloko...
Tingin ko'y wala naman na dapat pa'ng baguhin. Dagdagan na lang ang pang-unawa at lalim. Maintindihan ugat ng rimarim. Pagmamahal ang pagtuunan ng pansin...
Kaya mo ba'ng alisin ang iyong galit? O pigilan mo lang. Kahit konti'ng saglit. Alam mo ba kung ba't ika'y naiinis? Ni walang dahilan bigla na lang nag-nga-nga-lit...
Alam mo ba kung bakit ka suma-saya?. Ngumi-ngiti'ng minsan na mag-isa. Minsan nama'y natatawa, pag may naa-alalang katawa-tawa...
Ano nga ba? Pa'no nga ba? Saan nga ba? Bakit nga ba? Ang sagot lang ay halina't mag-basa. Sa aklatan tayo magkita-kita.. ▲★★★★★★▲
China Service Mall
China Service Mall
China Service Mall
.

.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento