TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Marso 15, 2009

Sa Sikat ng Araw


Sa sikat ng araw ay may bagong pag-asa. Mainit-init, puno ng enerhiya. Tulad ng nakahaing almusal na nakakagana. Tikman mo itong tuyo at nilagang itlog. Samahan mo pa ng kape at langgonisang matambok. May sinangag na kanin may bawang na nakabudbod. Malinam-nam, tunay na kabusog-busog. Handa ka na ba? Handa na ako. Na harapin itong panibagong pagsubok. Harinawa ay makamit. Ninanais na masunod. Itong makabuluhang galaw. Para sa iba'y maka-abot. Tagumpay na araw. Tagumpay na lubos.




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento