
Magtanim kahit ano, kahit kamote o damo. Pang-kalabaw man o pang-kabayo. Importante'y ikaw ay natuto...
Ang matutong magtanim yon muna ang iisipin. Kung papaano bubuhay ng puno o pananim. Kung namatayan ka man, ano ang susunod na isipin? Para lang yang "Farmville", ika nga e "challenging"...
Pero sori ha, hindi ako nagtatanim sa "internet". Ini-"ignore" ko na lamang, kaya sori sa inyong "gifts". Hindi ko matatanggap, hindi ko maa-"accept". Ayaw ko lang talaga, aywan ko nga ba kung bakit...
Kaya sori na lang sa mga "friends" ko sa "facebook". Huwag n'yong ipapa-alaga sa akin ang mga tanim ninyong "fruits". Magsisisi lang kayo "em damn and no good". Dahil garantisado at sigurado na ito lang ay mabubulok...
Kaya tayo ng magtanim ng kahit na ano. Hindi lang sa "internet" pati sa lupang inaapakan mo. Tunay na puno ha ang tinutukoy ko, hindi puno ng galit, hindi rin puno ng panibugho...
▲★▲