
Pagkatapos ni Ondoy, muling nagbabadya ang langit. Madilim ang ulap at maalinsangan ang paligid. Dito sa Mindanao kapag maghapong walang init. Asahan mo na sa Luzon ay may bagyong papalapit...
Matagal na ang dalawang oras dito kung umulan. Kumulog man o kumidlat ay talagang hanggang doon lang. Pero kapag dumilim at walang bituin sa kalangitan. May bagyong darating sa Luzon at ka-Visaya-an...
Alam mo bang sampung-taon na ako dito. Ni hindi ko naranasan ang lupit nitong bagyo. Ni hindi ko naranasan ang umulan ng isang linggo. Kaya naman hanggang ngayon ay takang-taka ako...
Marahil ay totoo nga. Dito sa Davao ay walang bagyong nagbabanta. Dahil nga mga halaman ay hitik at sagana. Maging puno ng saging ay pirming nakatayo hindi man lang nalalata...
Ang panahon dito ay tulad din ng sa kahapon. Umuulan umiinit pero hindi galit ang panahon. Ang gagawin mo para bukas ay matutupad ng naka-ayon. Walang hadlang, walang bagyo na pipigil sa iyong misyon...
Ngunit sa ngayon, paulan-ulan pa-ambon-ambon. Hudyat na may bagyong nabubuo sa maghapon. Bahagya lang uminit kahapon at ngayon. Uulitin ko at uulitin, may bagyong muling sasalanta sa Luzon...
Dalawang araw mula ngayon.
~~≈
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento