
Pira-pirasong semento sa putikang estero. Nagkalat ang lahat mula sa basura ng bagyo. Pinulbos, dinurog maging pangarap ng tao. Pilit na ginupo mula sa delubyo...
Hirap ang dinaranas sa dala nitong kalamidad. Ilang taon na ipinundar para pagandahin itong syudad. Inayos, pinabuti para sa kaunlaran ng lahat. Ngunit sa ilang oras lang, ginupo ito at binuwag...
Mga batang nag-iiyakan na wala nang matuluyan. Matatandang uugod-ugod, mga wala na ring masilungan. Pamilya'y nagkawatak-watak sa pagkasira ng tahanan. Kumakalat ang sakit maging sa katawan at isipan...
Ngunit huwag mawalan ng pag-asa. May mabubuting tao na bukas sa pagkalinga. May mga ginintuang-puso na handang magpa-ubaya. Handang magbigay at tumulong para sa kinakapos na kapwa...
Itatayong muli ang nasugatang bandila. Ipapakita ang wagas na pagmamahal sa madla. Tulong-tulong sa pagtatatag nitong makabuluhang diwa. Dahil hindi tayo napasusupil sa trahedya ng baha...
★★★◎
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento