
Mithiin nino man, makamit ang kapangyarihan.
Lakas at tapang, maligno ay labanan.
Kampon ng kadiliman, lugar ng mga hàlång.
Susuungin ang lahat..., mailigtas ka 'Lamang'...., mula sa kamay ng mga mangkukulam.
Ang kailangan daw ay mutya ng saging.
Lumalabas lang ito, kapag gabing madilim.
Nguma-nga ka at tumapat sa puso pa man din.
At hintayi'ng pumatak sa bibig ang anting.
At sa iyong pag-lunok at sa iyong pagmulat.
Liwanag ay ba-banaag. Lilitaw lalabas itong mga ungas.
Pipiliting kuhain, linunok mong katas.
Sapagkat may taglay itong mahiwagang batas.
Na s'yang lulupil at s'yang wawakas.
Nitong naghaharing ganid na talamak.,.
At kitang-kita,..!, nagsi-ulputan na!.
Mga maka-mundo, mga talipandas.
Mga manu-nuba, mga barabas.
Mga hudas, mga ahas...!..
Kasuotan'g malilinis....
Kalooban'g nanlilimahid...
Mga impakto'ng naglipana sa paligid.!..
Nanganganak, naghahasik.
Nang walang katapusan'g gulo at ligalig.....
O'..., mutya ng saging. Tuparin ito'ng bilin.
Nito'ng mahihina, nito'ng mapanimdim.
Masakop, masupil, itong makulimlim.
Wakasan na!, Itong mga Tagahasik ng lagim.!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento