
Kalalayas laang nitong mga paetenyo. Palibhasa'y taga-roon, patron nila si San Santiago. Kahihilig mag-dayo, palaging nakaka-kabayo. Kung saan-saan nakakarating, kahit pa sa ibang ibayo...
Bawat makita ay gusto n'yang marating. Bawat kanyang nais, pinagbubuhusan ng pansin. Kahit pahapyog-hapyog ay may karisma pa rin. Paluwagin lang minsan pero ayos pa din...
Madaling kausap, mataas ang antas. Kung ayaw mo sa kanya, sagot agad ng 'di huwag. Hindi napa-uuto, mabilis ang takbo ng utak. Hindi mo pa nasasabi, alam na niya agad...
Malimit ay tahimik, magalas kung minsan. Kamasasayahin, lalo kung may inuman. Konting tagay lang, lumalawak ang usapan. Ke mapababae, ke mapalalaki, mahilig sa katuwaan...
Doon sa kanilang bayan, parang pyesta araw-araw. Kahit saang kanto, may pagkain kang matatanaw. Mga tindahan ay kakaiba ang saklaw. May taka, may ukit, may dilag na naka-palasaw...
Aba'y uu, kahihilig mang-uuto. Lalo yang mga nasa tayantang at yang mga nasa patio. Alam nila'ng bihis ka pero 'di naman naligo. Pikon talo ka, kay pintasero'ng Takyo...
Naaalala ko pa si Pikot, "the rugged man in the rugged clothes". Araw-araw ko no'ng nakikita ang mukha nya'ng kalulungkot. Hanggang sa mabalitaan ko'ng namatay na pala sa bangungot. Hindi ko man lang nalaman, mga tanong ko'ng 'di n'ya nasagot...
At si Minis na paulit-ulit. Kung mag-salita, pilit na pilit. Bagamat dila niya'y pili-pilipit. Dumidiretso ang boses kapag iyong pina-awit...
Ang tubong-payti, maraming istorya. Maraming kwento na nakakahalina. Meron din namang malulungkot at madadrama. Ngunit kadalasan at kasagaran, sa sining napupunta...
"Paet eh!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento