
Semento sa konkretong mundo. Bilog, parisukat, parihaba at diretso. Utak ng tao papunta sa perpekto. Yon lang naman ay sa akala ko...
Umahon sa tubig, tumira sa puno. Bumaba at naglakad, natutong tumakbo. Nagtanim, kumain, nag-imbento ng semento. Gumawa ng sasakyan at lumilipad na eroplano...
Natutong magplano, pinag-aralan ang mundo. Pati ibang planeta, bituin at galaktiko. Tumuklas at naghanap kung may buhay pa tulad dito. Hinding-hindi titigil na masumpungan ito...
Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo. Hindi ito titigil kahit sumabog pa ito. At hindi ito umiikot dahil lang sa akin at sa 'yo. Kung baga'y kuto lang tayo sa naglalarong aso...
↑
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento