
Dumarami na ang tao sumisikip na ang daan. Tumataas ang mga bakuran mga gusaling nagtatayugan. Bagkus itong mga bata wala ng mapaglaruan. Kung saan-saan na lang sila nagtatakbuhan...
May komunidad wala namang plasa. May basketbol kort nga wala namang bola. Itong entablado tinayuan na ng botika. Simbahan ang ginawang laruan nitong mga batang walang pasensya...
Pagsabihan mo't mag-iingay, mag-iingay pa ng mag-iingay. Walang alam na respeto, sumisigaw, sumasaway. Galit pa at nagdadabog ng walang kamalay-malay. Hindi marunong gumalang kahit may misa sa patay...
Kapag wala palang plasa at palaruan ang komunidad. Mga tao sa iisang lugar ay nagkaka-watak-watak. Sa pag-iisip at sa pakikiharap, kadalasan, balasubas...
At kapag ang karamihan sa komunidad ay walang trabaho. Sugal ang umiiral sa buong sakop nito. Nakatuon sa dasal ay ang manalo sa loto. O kahit man lamang tumama sa huweteng o lastu...
At kapag ang komunidad ay walang palengke. Kailangan ang lahat ay bumiyahe ng bumiyahe. Kahit maputik, kahit mabato, pyesta sa kabilang balwarte. Dadayo at dadayo, makakain lamang ng karne...
Sino-sino ang lumilikha ng isang magandang komunidad? Sino-sino ang nagpapanday upang ito ay umunlad? Anu-ano ang kailangan upang pangarap ay matupad? Payag ka bang mabuhay ang susunod mong mga lahi sa ganitong klaseng komunidad?...
:@
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento