
Umuulan na naman, mukhang may bagyo na naman. Hindi ko man lang napansin ang araw sa silangan. Basa na naman ang lupa, putikan na naman. Magsasapatos ba ako o tsinelas na laang?...
Pero ayos din kasi malamig. Parang ang sarap matulog, maghapon sa banig. Para lang ang lungkot, umiiyak itnng langit. Dalamhati niya'y muling ipinababatid...
Palakas ng palakas, dahan-dahang kumikidlat. Itong si San Pedro, parang nagbabasag. Panay ang kulog na nakakasindak. Pati itong aso ko, takot na takot, gulat na gulat...
Hindi man lamang nag-asul itong langit. Kulimlim niya ang siyang nananaig . Itong patay na ilog, nabuhay na ng saglit. Muli siyang inagusan ng rumaragasang-tubig...
Tuwa naman para sa mga halaman. Matatayog na puno muling tumingkad at kuminang. Malalago nilang dahon ay muling nahugasan. Tulad ng tao, na nangumpisal ng kasalanan...
↓↑↓
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento