
"Believe nothing, no matter where you read it or who has said it, not even if I have said it, unless it agrees with your own common sense."
Sino ang nagsabi nito, kilala mo ba? Isa itong aral ng magandang pilosopiya. Upang tumalas ang isip at ang tiwala sa iba. Huwag basta maniwala, baka ikaw lang ay binobola...
Kahit sa akin, huwag kang maniwala. Timbangin ang alam kung may punto ba o wala. Talasan ang isip upang hindi kakapa-kapa. Nang malaman ang mali at malaman ang tama...
Maging sa iba ay huwag basta maniwala. Alamin munang mabuti kung ano ang sadya. Huwag agad magagalit kung nasaktan kang bigla. Tumigil lang saglit at magmuni-muni muna...
Hanggang saan ang kapasidad ng iyong pag-iisip? Nakita mo na bang kumilos ang iyong sarili? Narinig mo na ba, ang iyong mga sinasabi? Nasukat mo na ba, ang tiwala mo sa iyong sarili?...
Dahil hindi nabibili ang respeto at tiwala. Hindi rin ito ibinabase sa galing ng pananalita. Mas maganda basehan ang kilos at ang gawa. Saka ka humusga kung tunay nga itong kapanipaniwala...
★
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento