
Sampalataya ka ba sa iyong pang-unawa? Saan ka dadalhin ng iyong paniniwala? Ano ang puno't dulo nitong lumipas at hinaharap? Ano ang tunay mong hangad sa pagpuri mo at paglingap?...
Natatakot kang mawalay. Natatakot kang mag-isa. Nais mo ay palaging merong makasama. Ngunit ano ang dahilan kung ba't ikaw ay sumasamba? Hindi mo ba kayang maging katulad nila?...
Magigiting ang nagsasabi ng tunay na nararamdaman. Ngunit sa pang-unawa ng iba, ito ay kahangalan. Paniniwala mo at paniniwala nya'y mas malayo pa sa pinagmulan. Saang bagay ang tao magtatagpo at magkaka-unawaan?..
Meron akong alam na samahan ng magagalang. Kahit mo murahin, sampalin o tadyakan. Hindi sila natitinag, ngingiti-an ka ng laan. Pupurihin ka pa't ipamamalas ang tunay na kapanatagan...
Mapagmahal silang itinuturing sa kapayapaan. Busilak ang mga puso sa mga hayop man o mga halaman. Alam ang kilos at galaw nitong buhay na nilalaman. Likas ang puso at isip sa antas ng kadakilaan...
:-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento