
■ Ikaw naman hindi ka mabiro. Seryoso palagi asal matino. Malalim mag-isip, ano ka hito? Ang gaan pa ng kamay palaging namamalo...
□ Wala lang yon, huwag mo akong pansinin. Huwag mo lang akong kulitin at saka asarin. Madaling uminit ang ulo ko, hindi mo ba napapansin. Tumigil-tigil ka dyan baka tamaan ka sa akin...
■ Pikunin ka pala, para kang torta. Masama sa katawan yan, hindi yan masigla. Nakakaikot din yan, akala mo ba. Ipaligo mo lang yan, para kumalma ka...
□ O sige na nga susubukan ko. Pero pakutos muna, dyan sa noo mo. O papitik na lang kaya, dyan sa tenga mo. Para mabawasan naman itong init ng ulo...
■ Oo ba!, bakit naman hindi. Sikista ako, sanay ako sa mahapdi. Sugatan mo ako at pigaan ng kalamansi. Baka hindi mo alam, sampung beses akong nag-patuli...
:mula sa dalawang alaskador ng Mataas na Paaralang Ginalugad Palo Bente:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento