
Muling lumipad sa ibabaw nitong ulap. Sakay ng latang, palutang-lutang sa alapaap. Halos limampu lang ang sakay nitong pinoy na air-bus. Pwedeng-pwedeng magpagulung-gulong, tumakbo at magpa-padyak...
Walang halos pasahero nitong araw ng pasko. Kaya itong eroplano parang eks-klusibong eksklusibo. Walang estorbo, parang isang magandang plano.Walang delay..., eksakto!..
Pwede pa nga'ng magpahila-hilata. O kaya'y sumulyap sa halos lahat ng bintana. Ang ganda ng tanawin, parang dagat ng makata. Parang isang ngiti, nang malulungkuting diwata...
Walang dapat na gawin, kundi ang pagmasdan. Sa dahan-dahang pagbabago nitong nasasaksihan. Buhay itong langit, ganon din itong sinasakyan. Sa enerhiyang nagpabalik patungo sa pinagmulan...
↑