
Si Sangko ay may talento. Magaling manloko at mang-uto ng tao. Mabuladas ang tuktok. Malakas ang katok sa ulo. Lumaking mangungurakot kaya binansagang Sanko..
Si Sangno ay may talento. Ayaw patalo, matigas ang ulo. Palaging galit, pumapatay ng tao. Naging dambuhala, naging sanggano...
Si Sangka ay may talento. Pamali-mali hindi naman sinto-sinto. Tatanga-tanga kapag nakaka-kita ng gwapo. Iba-iba ang lalaki na sa kanya ay nakapag-palobo...
Heto na sila, silang tatlo. Ang umiinom ng lason na magpapagupo sa tao. Ang lason ng gahaman, galit at kahangalan. Huwag naman sanang kumalat sa buong sangkatauhan...
Huwag pahahawa, huwag papalinlang. Sa tatlong lason na ito na palipa-lipana lang. Aali-aligid, andyan lang ang mga yan. Maging sa sarili natin ay huwag na huwag pagbibigyan...
Ngunit ituring mo rin silang iyong kakilala. Pwede mo rin silang kausapin at tratuhin ng maganda. Itabi mo lang sa iyong puso at tingnan na parang obra. At sa pader ng iyong kaisipan, doon isabit na parang medalya...
《"》
Ayos! (^_^)
TumugonBurahin