
Anim na damdamin ng isang karaniwang tao. Sampu ito pero anim muna ang uunahin ko. Anim na antas kung saan ang isip ay ganito. At ang lahat ng mga ito ay dinaranas ng tao...
"Hell" ang unang dapat unawain. Kapag hindi mo ito naintindihan, "common" mortal ka pa rin. Pinakamababang-uri kapag buhay-na-buhay sa damdamin. Alipin ng kasamaan. Disgrasya ang aabutin...
"Hunger" naman ang pangalawa sa impiyerno. Kapag isip ay gutom, magma-"malfunction" ang ulo. Walang kabubusugan sa "power" man o sa panggagantso. Sayang naman ang pagiging isang tao kung asal buwaya'ng walang modo...
"Anger" naman itong pangatlo. Kapag puso ay may poot, puro ligalig ang matatamo. Kahit saan magpunta ay binubuntutan nitong bagyo. Walang tama lahat ay mali. Sa mga kahit anong makakasalubong nito...
"Animality" ito ang pang-apat. Isipin mo ang taong ugali ay parang ahas. Kapag ang tao ay puro kahayupan ang isinisiwalat. Asahan mo na ang buhay niya'y parang hinahabol ng mga parak...
"Humanity", ito ang panlima. Sa antas ng pag-iisip ng taong may pag-asa. Mapagkawang-gawa, malinis ang kunsensiya. Marahil ay alam na niya ang batas nitong karma...
"Heaven", ito ang pang-anim. Pang-anim sa landas na sa tao ay tatahakin. At kung madalas sa puso ng tao itong "heaven"? Bawat kanyang hiling, bawat kanyang sabihin, kakamtin...
Meron pa'ng apat, pero heto na lang muna. May apat pa'ng humihigit sa anim na nauna. Sa susunod na lang, yung apat na mas maganda. Kapag nakamit natin yon. Lahat tayo ay sasaya...
sa muli
Namu Myoho Renge Kyo /|\
TumugonBurahinNam-myoho-renge-kyo
TumugonBurahinNam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
Nam-myoho-renge-kyo
...................