
Parang kailan lang mga naglalaro sa lansangan. Dala-dala ay bola at sari-saring laruan. At nang magbinata ang hanap ay liligawan. Nang magsitanda, hanap na ay inuman...
Dahil ngayon lang muli, muling nagkita-kita. May mga puti na ang buhok ang iba ay nakalbo na. Meron din namang hindi nagbago ang hitsura. Ang iba nama'y nangagsipanaw na...
Masarap balikan masasayang nakaraan. Parang kailan lang na para bang kahapon lang. Wala namang nagbago sa mga puso at isipan. Ganoon pa rin ang pag-uugali ng mga kabarkada't kaibigan...
Magdamagang kwentuhan na parang 'di mauubusan. Sistihan, galitan, walang humpay na tawanan. Kasasaya, kaiinam, nang muling magkita-kita itong magkakaibigan...
®