
Iba daw ang utak at ugali ng isang "artist". Tulad ni Modigliani, Leonardo at Vincent. Bugnutin, estrikto, ayaw ng nakikinig. May sariling mundo ayaw ng nadadaig...
Kung naniniwala ka dito?, ay nabubuhay ka sa kahapon. Dahil ibang-iba na nga, ang mga "artists" kumpara sa ngayon. Mas kapaki-pakinabang. Mas marami ang naitutulong. Mas malawak ang isip, mas malawak ang imahinasyon...
Ibang-iba na si Vincent van Gogh ngayon. Ibang-iba na rin si Luna, Frida, Carravagio at Jackson. Ibang-iba na nga sila nang bumalik mula sa kahapon. Hinding-hindi na nila inulit ang ginawang mali nila noon...
Hindi na baliw ang "artist" ngayon. Hindi na gago ang "artist" ngayon. Hindi na "old school" ang "artisans" ngayon. Sinagot na ng teknolohiya ang kanilang imahinasyon. At ang mahalaga'y may puso na silang alay, tanggapin mo, karangalan yon..
"Imagination is much more important than knowledge." Albert Einstein
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento