
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa prutas? Matamis kaya ito o maasim na parat-parat? Mabilog kaya ito o pahabang taas-taas? May lason kaya ito o may dulot na lunas?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa kanin? Mabango ba ito o masarap na pang-saing? Mabato ba ito o madumi na may itim-itim? Ligtas ba at malinis kung ito ay kakainin?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa ulam? Sardinas ba ito o dilis na minatam-isan? Ampalaya na may itlog o simpleng kang-kong lang? O isang buong litson na talagang katakam-takam?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa inumin? Nakakapawi ba ng uhaw o sobra kung maka-lasing? Pwede bang ipaligo o ipanghalo sa pagkain? Pwede ba 'to sa hayop o sa tao na 'di magising?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa musika? Malambing ba ang tunog o maka-basag tainga? May himig ba ito na nakakahalina? O sadyang ingay lang ang dulot sa buong balana?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa sining? Isa kaya siyang obra o pintang pipit-tyugin? Isa kaya s'yang gusali na matatag sa lakas ng hangin? O isa siyang monumento o imaheng sasambahin?...
Ano kaya ang bayan ko kung ihahalintulad sa tao? Babae ba ito o lalaki na walang modo? Tomboy kaya o bakla, o isang matalinong tao? Matanda na kaya ito o musmos pang walang kamuwang-muwang sa mundo?..
Harinawa na lahat ng kandidato sa halalan ay hindi nalulunod sa kapangyarihan.
®
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento