
Hanggang saan ang nararating ng iyong mga mata? Hanggang saan ang naririnig nitong mga tainga? Hanggang saan aabot ang pang-amoy ng sistema? Hanggang saan ka dadalhin ng iyong hininga?...
Tao ka pa kayang babalik pagkatapos ng isang sirka? O mamamasyal ka pa muna sa lawak nitong maharlika? Makahalubilo muna sa pagputok ng 'gas' sa 'andromeda'? O kaya'y magpatalun-talon, sa lawak nitong mga planeta?...
Pero masarap daw maging isang tao. Lalo na't nasa 'taas ka at walang sinasanto. Yong lahat ng naka-baril ay nakapalibot sa iyo. Habang ika'y kumakaway mula sa bintana'ng tumatakbo...
Masarap daw talaga'ng maging isang tao, pwede ka'ng magnakaw basta magaling ang dahilan mo. Pwede ka'ng pumatay basta malulusutan mo ito. At saka daw ang tao ay 'di tumatanda, palaging edad singko...
Kaya mababangis na hayop, iniwan na ang gubat. Nagpalit-anyo, naging tao na sa syudad. Mga ibong mandaragit nangagnegosyo ng "drugs". Mga dambuhalang buwaya'y naging tao, nagmamatyag...
Pero huwag kang maniwala. Kwento lang 'to. Istoryang kanto, hindi totoo. Ilusyon lang, huwag maniwala dito. Pero paano nga ba at ano, mangatuwiran ang tao?
Forgive your enemies, but never forget their names. J.F.K.
To know what is right and not do it is the worst cowardice.
Confucius
Anger and intolerance are the enemies of correct understanding.
Mahatma Gandhi
®
pleas if you give the answer, can you give the complete answer.. this is not game.. okey???
TumugonBurahin