TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hulyo 21, 2015

Ang Alagad Ng Sining



Masarap maging isang alagad ng sining.
Walang ibang kalaban kundi ang iyong mithiin.
Kahit walang pera, kahit walang pintura.
Makakalikha ng ganap kahit uling pa ang gamitin.

Kapirasong kahoy sa halip na ipanggatong.
Gagawan ng hugis, gagamitan ng dunong.
Saan baga nanggaling?
Nakakalikha kahit hindi naman marunong.

At sa pagdaan ng mga panahon.
Pagiging alagad ng sining sa puso ay bumabaon.
Sumisidhi, lumalalim ang mga natatagpuan na hamon.
Hanggang sa umibig at nakipag-relasyon.

Paano na ang sining kapag inagaw ng pag-ibig?
Nalilito ang isip, nababago ang pahid.
Hindi makakilos, kinakalawang mga pang-ukit.
Nalulunod sa pag-ibig, sining ay naiwawaglit.

Dahan-dahan ng nakalilimot, kulay na ay watak-watak.
Hindi makapa ang mga hugis, hiwa-hiwalay na ang utak.
Nabubulabog na ang puso, ang sining ay umiiyak.
Libog na ang pumalit at sa paglikha ay tuluyan ng tinamad.

Nagutom, naghirap, pag-ibig ay nasadlak.
Natututong magalit hanggang sa iwanan ng kabiyak.
Halos mabaliw, si kamatayan na ang kaharap.
Muli itong si sining ay nag-aalay ng bulaklak.

At nagsalita si Sining, hindi kita alagad.
Mahalin mo lang ako, at mamahalin kita ng tapat.
Iisa tayo sapul ng ikaw ay ipinanganak.
Sabay nating haharapin, muli tayong gumanap.

posted from Bloggeroid

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento