TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Mayo 19, 2015

Anak ng Tupa











Ipinanganak sa taon ng tupa.
Taon din ng kambing ang tawag ng iba.
Magaling daw gumuhit, magaling din magpinta.
Alagad ng sining at magaling din sa eskultura. 

Ngunit kadalasan ay mababa ang loob. 
Madaling maawa sa mga nagugupo.
Hindi tumatanggi kapag hiningian mo ng ampo.
Kahit walang - wala, magbibigay ng taus-puso.

Kaya nga marahil ay walang ari-arian. 
Walang sariling bahay, wala ring sasakyan.
Walang ipon sa banko kahit isang-daan.
Ngunit hindi naghihirap dahil mapamaraan. 

Masipag, mabuti, madaling mag-isip ng paraan.
Kaya niyang paunlarin kahit na sinong nangangailangan.
Ngunit sa sarili niya ay ayaw niyang magpayaman.
Hindi niya kayang dibdibin na siya ay kainggitan.





Yun laang.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento