Hirap na hirap sa buhay.
Walang mahingian ng tulong maging sa mga kaanak o kalapit-bahay.
Gusto ng sumuko, gusto ng mamatay.
Hanggang sa masumpungan ang poong maykapal.
Humingi ng gabay.
Nagdasal ng nagdasal upang hirap ay maibsan.
Tumatag ang loob hanggang sa puso ay tumapang.
Umunlad ng umunlad at hindi na nakipagkaibigan.
Umangat ang buhay.
Nagpakayaman ngunit gabay ng Diyos ay kinalimutan.
Natulad sa nakararami na hindi na malapitan.
Nagpakasasa at nalunod na sa kayamanan.
Akala ay makulay.
Yumabang, tumapang, ang Diyos daw kanyang sandigan.
Ngunit kapag nag-iisa luha ay hindi mapigilan.
Tunay na pagmamahal sa kapwa ay hindi na niya masumpungan.
Ano ang saysay ng mabuhay sa karangyaan?
May humihingi ng tulong ngunit hindi mo na rin pinagbigyan.
Gumaganti ka lamang dahil dati ka rin ganyan.
Hindi ka na rin maabot, ang katuwiran mo ay ganti-ganti lang yan.
Nakakaduda kung anong Diyos ang iyong nilapitan?
Marami ang Diyos, may Diyos ng Kasakiman.
May Diyos ng Karamutan, may Diyos din ng Kasamaan.
Ano nga ba yang Diyos na sinamba mo at nasaan ang Diyos ng Kabutihan.
posted from Bloggeroid
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento