TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hulyo 2, 2013

Tula mula Paete



Aba! Ano? Baling-bali ka?, kung saan-saan ka nagpupupunta., matagal-tagal na rin na di tayo nagkikita, kelan ka uuwi? O uuwi ka pa ba?. Ngano ma't di mawalay ala-ala sa Bangkusay, ang pag-inom sa Maytoong?, na kagana-ganang tunay.
Sa Ibaba..., may wawa, kung saan tayo ay namamangka, ke me huli o wala, punta na lang sa talipapa.
Marami raw magaganda don sa Ilaya? E ayaw patalo ng Quinale at Ermita, baka sa Bagumbayan merong bisita?, Mamimili ng ukit at kakain ke Benga.
Bae.., binay-an.., pasingaw at minukmuk, puto at lugaw, palutang na ayos!!. Baling-bali laang., wala ako?, ni kalikot . Gusto kong kumain kahit bibingkang itlog..
Tuk tak tak tak tunog ng umaga, palo sa pang-ukit , sa kahoy, humahalina. Hudyad ng araw saliw ng kinikita, ang mag-ukit, tunay na kasinta-sinta. Mabuhay ka! San ka man mapunta?. Kaibigan, kadugo, kapayti-payti kang talaga.



1 komento:

  1. Hindi-nagpakilalaMiyerkules, 11 Mayo, 2022

    May tula ka po ba tungkol sa edukasyon? Sana po kayo'y tumugon salamat po

    TumugonBurahin