TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hulyo 25, 2013

Palawan



Isa ka'ng monumento sa aking paningin.
Monumento ng katatagan na sa puso ko ay lumalambing.
Ano pa nga baga at malayo ka sa akin.
Ngunit babalik-balikan upang muli kang makapiling.

Sa iyong mamamayan na walang halos pintas.
Mababait, magagalang at may sipag na gilas.
Ano ang meron ka upang sa madla ay maipamalas?
Ang maging modelo at parisan sa pag-unlad.

Damang-dama ko ang iyong pagkalinga.
Ang pagmamahal mo at pakikipag-kapwa.
Ang kababaang-loob ay sadyang kahanga-hanga.
Karapat-dapat kang mahalin dahil ikaw ay pinagpala.

Panalangin ko ay huwag kang magbabago.
Huwag kang magsasawa'ng magmahal sa iyong kapwa-tao.
Huwag kang magsasawa'ng pagandahin ang kinalalagyan mo.
Dahil ikaw ay huwaran at tunay na monumento.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento