Ang Datu ng bagong panahon ay malalim na nag-iisip.
Pinag-aaralan niya'ng mabuti ang kanya'ng nasa paligid.
Kung papaano niya magagampanan na sa kanya'ng palad ay iginuhit.
Bilang isang pinuno na sa kanya ay ikinabit.
Edukasyon ang isa sa kanya'ng hangarin.
Ang makabasa at sumulat at magbilang na rin.
Pag-aralan ang lahat ng walang pagki-kim-kim.
Upang magamot ang bawat suliranin na haharapin.
Dahil ang hangarin niya ay kaunlaran para sa mga mamamayan.
Upang ang kanya'ng tribo ay hindi maging alipin ng kamangmangan.
Ipamahagi ang kaalaman at bawat natutunan.
Upang sa huli ang tagumpay ay makamtan.
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento