TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hulyo 1, 2013

Kakambal 2




sari-sari kung sa ubod bali ay hati-hati,pero sa paete, ginagamit ito sa pag-uugali, pero in general e, syempre tindahan,. bakit sari-sari? eh... marami kasing pagpipilian, tapos andyan lang sa kanto, minsan ikinukumpara ko ito sa mga taong nakikilala ko, kaya kung gagawan ko ng photo album eh...sari-sari ang kalalabasan.. kita mo yong unang piktyur na beybi, kyut no? parang di lalaking gago, ma kakambal yang babae, sa next ko na lang ipost yong pic nya, ako muna para me entrada la apritada, mamaya na yong menudo. yang beybi daw na yan e hiramin ng kalapit-bahay, gustong- gusto naman sa amin kasi libre alaga, kaya naman heto lumaking gala, layas ng layas, sabi nga ng nanay ko eh., may taling sa paa, nunal ika nga, para daw laging sinisilihan ang kuyukot kaya palaging wala sa bahay, naalala ko nung grade 1 pa ako, sabado, maghapon na ngang wala sa bahay ay gabi pa ng umuwi, sa galit ng ama ko e sinugod ako, syempre bata, wala akong naisip non kundi ang tumakbo, inikot namin yong buong baranggay,sa bahay ng mga lola ako tumuloy, save! at don pa ako matutulog kasi puro putik ang damit galing sa galaan at palayan, baling-bali ano? kauulit na bata.
pag tanghali syempre may siesta iluminada, pinapatulog ang mga bata, ako tumatakas, sa bubong ako dumadaan, kasi pupunta kami sa talon,waterfalls in short,. pag bata pa, mahilig kang patulugin, kaya nang lumaki naman, palaging nasasabon ng magulang, kasi tulog ng tulog...

sari-sari ano....
sa muli...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento