TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hulyo 1, 2013

Kakambal



heto na si ganda, heto yong sinasabi ko na kakambal ko, palagi ko yang kasama, mas maulit kesa akin, madrama rin yan, pero sya rin yong nag-uulok sa akin kung ano ang gagawin..kyut din ano..
noon kasi kahit paluin ako ng paluin ni ama dahil sa kalalayas, eh nagsawa na rin, di na raw epektib, kaya naman nakaisip sya ng paraan para hindi ako makalabas ng bahay... may isang araw kasi na asar na asar na sya sa akin, umuwi ako na tapos na silang mananghalian, andon pa naman lahat ng kapatid ko kasi sabado, ang sarap maglayas kasi walang pasok, grade 3 na ako non,. pagdating ko, tinutuya na ako ng mga kapatid ng,,... hala.. lagot ka sa ama, sabay sigaw ng----- ama!! andyan na si obet., paakyatin mo dito sa bahay, tugon ni ama, andon din ang ina sa bahay[isa ring ibig sabihin ng bahay sa payti eh.. sa itaas].. pag-akyat ko, syempre, palungkot epek para kunyari nagsisisi sa ginawa, na tipong di na uulitin, sabay iyak ng konti, sa taas nadatnan ko ang ina may hawak na damit na nilipasan ng kapatid kong babae, kulay blu pa nga ang kulay, ang ama nakatayo lang, himala at hindi nagalit, sabi lang nya na magbihis ako at kadudugal ko na, paghubad ko ng damit ay isinuot na ng ina yung pinagliitang damit nong kapatid kong babae,, sabay tanong ko ng bakit? sagot agad ang ama na, na para di ka makalayas, yan ang parusa sa yo,.. iniharap ako ng ina ko sa salamin.. laking gulat ko nang makita ko yong sarili ko, sabay iyak ng kalalakas, mas malakas pa nong pinapalo ako saka mas tunay na yong iyak.. hhhuwaaaaahhhh 2X....3X....hanggang di mapigilan ang hikbi,, pagkabihis, pinababa na ako sa bahay para kumain,, pagbaba ko galing sa taas......,
wwwwaaaaa!!! hahahaha..hahaha... ang walang humpay na tawanan ng aking mga kapatid, habang ako naman eh walang tigil sa kakaiyak na halos pumantog na ang uhog sa kahihikbi.. buti na lang paborito ko ang ulam,, ginataang hipon na malapit ng magtutong ang gata,, kasasarap laang. dahil sa sarap napatigil ako ng iyak pero tuloy pa rin ang hikbi,, sabi nga ng ina ko, pwedeng-pwede raw akong ipakasal sa hipon... pagkatapos kong kumain, meron ng naghahanap sa akin na mga kaeskwela para lumayas uli, don na! don na ako tumanggi para wag maglayas,, takbo agad ako sa taas para di nila makita, e kaso yong ibang kapatid ko makulit din, pinaakyat pa.. kaya yun wala na akong nagawa kundi magpakita,.. ang sumunod? bunghalit din na tawanan... sapol non, di na ako madalas maglayas, pirmi na palagi sa bahay.... sabi nga ng ama epektib....

sa muli...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento