Sampung taon na ang lumipas, reunion na ang kaharap. Magkaka-klase ay nagkita-kita para magkaharap-harap. Ano na ang nagyari mula ng magkawatak-watak? Meron ding nagbago, may tumaba at may namayat...
Tanong agad nila ay saan ka nagtatrabaho?. Sumagot itong isa, sa SM!, taas pa ang noo. Pero itong intsik na kaeskwela kong mestizo, tinanong niya ang kadugo kung ano ang iyong negosyo...
Nagtaka ang isa sa laki ng diperensya. Isang manggagawa at isang amo ng kumpanya. Kultura ba 'to o sadyang kinasanayan na? Pilipino at Intsik, magka-iba ang kinikita...
Gusto ko sanang magkumento pero huwag na lang. Baka mauwi pa sa kung anong usapan. Baka mapikon itong siga kong kaibigan. Baka din magtampo itong intsik kong kakopyahan...
The most important single ingredient in the formula of success is knowing how to get along with people. -Thedore Roosevelt
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento