TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Agosto 31, 2011

> Impasugong Dream <



Naguguluhan na ako. Hindi ko malaman ang tama sa mga sinasabi nitong amo. Saan ako lulugar at ano ang uunahin ko? Sarili kong kapakanan o kapakanan ng ibang tao?...

Oo nga at kaya, kayang pagsabayin. Ngunit may kapaguran ang isip at damdamin. Maging ang katawan ay umaangal na rin. Napapagod din marahil itong mapagbigay kong galing...

Pahinga lang yan, bukas uli. Pasasaan baga at makakaraos ding muli. Bawat sinimulan ay may katapusang minimithi. Ang mahalagay naialay mo at nasiyahan ka sa bawat iyong sapi...

Lumilipas, magbabalik. Lakas at gana ay mananaig. Parang isang halimaw na bumubuhat ng langit. Walang katakut-takot sa hamon ng malulupit. Handang-handang lumaban kahit panahon ay nagngangalit...

.. Y,



When I was a young man I observed that nine out of ten things I did was failure, so I did ten times more work. -George Bernard Shaw



1 komento: