Sinubukan ko naman na magsugal ng magsugal. Baraha maghapon hanggang sa maumagahan. Pusoy dito, pusoy doon, hanggang lumaki ang pustahan. Maging sa pagtulog ko ay baraha ang napapanaginipan...
Pero wala ring nangyari kaya nagsabong na lang. Pusta dito, pusta doon, Kristo ay takam na takam. Panalo ng matapos pero nang lumabas sa balato ay talunan. Kaya tinigilan ko na rin dahil wala namang pakinabang...
Kaya sinubukan ko na tumaya na lang sa lotto. Baka sakali na dito mababago ang buhay ko. Araw-araw tumataya, hanggang abutin ng isang linggo. Kaya heto sa awa ng diyos ay hindi pa rin nananalo...
Walang swerte puro malas. Nalustay lang ang pera sa walang-kwentang pagwawaldas. Lumaki ang utang dahil sa maling landas. Natutong manloko at natutong mandugas...
Kaya naman tinigilan ko na. Lumaban na ako sa parehas na kita. Sinaliksik ko ang lugar kung saan ako ang bida. Iniwaksi ko ang sugal at ang swerte ay niyakap na...
Sugal, sugal, ano ka nga baga? Ano ang dulot mo sa tao na ang hanap ay kwarta? Maaaring may tao na sa iyo ay sambang-samba. Pero ano ang iyong dulot, ano ang iyong halaga?...
Luck is what a capricious man believes in. -Benjamin Disraeli
To believe in luck is skepticism. -Ralph Waldo Emerson
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento