TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

≈bidahan≈




Hindi kaya ng utak na mag-isip kung ang puso ay galit. Wala ng tama na magagawa kung utak ay nilalason na ng galit. Wala ka ng magagawa kundi mali at pasakit. Luha at dusa ang tanging mananaig...

Ang paghihirap ay kayang mong gamutin. Ang paghihirap ay kaya mong talunin. Ang paghihirap ay kaya mong paalisin. Ang paghihirap ay huwag mo lang iisipin...

Yon lang yon, ganon lang yon kadali. Yon lang yon, huwag kang magmadali. Yon lang yon, para ka lang nagpatuli. Yon lang yon, huwag mapikon palagi...

Saan ka pupunta eh wala namang iba. Pasasaan baga ay babalik din ka. Magpakalayo-layo ka man ay dito ka pa rin pupunta. Umikot ka lang na parang isang bola....

Ayos lang yon, sige larga. Para naman kwento mo ay maiba-iba. Para naman hitsura mo ay malimutan ng iba. Para sa pagbabalik mo ay meron kang maibida...

Ayos lang yon, sige kwento pa. Pero teka nga muna may pasalubong ka ba? Baka haka-haka yan puro pambobola. Pero ayos na rin basta puro masaya...

O ikaw naman may istorya ka ba? Katatahimik mo meron ka bang problema? Huwag mo ng sabihin hindi mo sila kilala. Baka ang kalabasan ay maging katawa-tawa...

Pero kung dama mo ay sige ilahad mo na. Basta lang ba huwag kang mapipika. Baka kapag napikon ka ay maghuramentado ka. Aba'y huwag naman at sayang lang ang pwersa...


He that has never suffered extreme adversity knows not the full extent of his own depravation. -Charles Caleb Colton



..Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento