TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

¤ang bilin¤



Anak, pumunta ka sa syudad at bumili ka ng prutas. Sampung-sako na ubas, sampung-sako na mansanas. Sampung-sako na mangga, sampung-sako na bayabas. Samahan mo na rin ng gulay, karne ng baboy at isang-buong baka na ma-angas...

Heto ang pera, gamitin mo yun'g "truck". Isama mo pa sila para sa tatlo pa'ng trak. Parepareho kayo ng bibilhin, parepareho kayong-apat. Humayo kayo at mag-ingat at bumalik ng karapat-dapat...

At ng bumalik itong apat ko'ng anak. Isa na lang ang may laman sa apat ko'ng "truck". Tinanong ko sila kung ano ang naganap. Ang sagot lang nila'y laganap na sa kalsada ang mga taong-mandurugas...



No great deed is done by falterers who ask for certainty. -George Eliot



..Y,




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento