TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 15, 2011

[ sarado ]


Seryoso ka na naman?, tumawa ka naman paminsan-minsan. Kulubot na yang noo mo, nakakabundat yan. Tataba ka pang bigla dahil maninigas ang tiyan. Bihira ka na ngang tumae, kung umutot ka'y amoy bulok na suman...

Ngiti naman dyan, nakasimangot ka na naman. Doble na nga yang baba mo labas pa ang litid sa lalamunan. Mura ka ng mura sa wala namang kasalanan. Inis na inis ka sa mundo na wala namang kadahilanan...

Tingnan mo yang sarili mo, hindi mo matitigan dahil ayaw mo. Dito ka palagi sa bahay kaya mainit ang ulo. Para kang isang asong ayaw lumabas ng teritoryo. Kahol ng kahol walang-sawa sa kaka-aawwooohh...

Bakit ka ganyan?, ano ba ang problema. Gusto mo yata ng albularyo na kukuryente sa yong paa. Ano ba talaga?, nakukulam ka na ba? Tingnan ko nga yang mga hinli-liit mo kung pantay silang dalawa...

Masaya ako kapag nakangiti ka. Lalo na siguro kung hahagik-gik ka. Mas lalo na siguro kung tumatawa ka na. At mas lalong-lalo na kung hahaling-hing ka pa...

Wala na yon, tanggapin mo na. Kung ano ang nasa iyo ay panindigan mo na. Kung ano ang kaharap mo ay harapin mo na. At kung ano ang meron ka ay ilabas mo na...

Let him that would move the world first move himself. -Socrates


..Y,


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento