Iba ngayon, iba noon. Iba ang mga suot noong unang panahon. Iba na rin ang ugali kumpara sa ngayon. Epekto ba ito ng tinatawag nilang "evolution"...
Naniniwala ka ba na nagbabago ang lahat? Tumingin ka sa salamin kung nagbago ang iyong balat. Tingnan mo yang sapatos mo't nag-iba na ang sukat. Magsuot ka ng pantalon at matatanong mo kung tumaba ka ba o pumayat...
Pero ang mahalagang tanong ay kung may nagawa ka ba? Sa takbo nang panahon na bumibilis at pa-iba-iba. Sa pang-araw-araw mo'ng buhay naglalaba ka ba? Marunong ka ba'ng magluto o 'di kaya'y mamalantsa?...
Pero papaano kung wala sa iyo ang lahat? Gagawa ka ba ng paraan o magpapalaki na lang ng puki o bayag. Maghihintay ka na lang ba ng limos o sa bigay ng kamag-anak? Tanungin mo si Kamatayan kung saan ka nararapat...
Ey papaano naman kung nasasaiyo na ang lahat? Ano ang gagawin mo kung ang ari-arian mo'y lampas-ulap? Ano kaya ang responsibilidad na naka-atang sa 'yong balikat? Itanong mo kay Kamatayan kung saan ka nararapat...
Iba noon, iba ngayon. Ngunit paulit-ulit lang ang ikot ng panahon. Ano man ang iyong suot o hitsura ngayon. Manindigan ka na at lilipas rin ang maghapon...
God asks no man whether he will accept life. This is not the choice. You must take it. The only question is how. -Henry Ward Beecher
..Y,
Ang ganda po ng blog nio..
TumugonBurahinsuper like it :)
Godbless, More Power ..
Ang ganda po ng blog nio..
TumugonBurahinsuper like it :)
Godbless, More Power ..
Ang ganda po ng blog nio..
TumugonBurahinsuper like it :)
Godbless, More Power ..