TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 15, 2011

<ang sanggol>


Panibagong kasaysayan, panibagong kinabukasan. Ang haharapin nitong bagong isinilang. Ano ang naghihintay sa bawat daraanan? Sino ang makiki-alam sa kanyang kapalaran?...

Una ay magulang ang gagabay sa mga unang-hakbang. Ang magtuturo at mag-aalaga mula sa mundong kinagisnan. At kung abandonado kang bata na itinapon sa basurahan. Hindi ko alam kung kapalaran yon o kagustuhan ng lumalang?...

"Bahala na sabi ng ina. Kung mabubuhay o mamamatay ka na? Sana ay may makakita sa iyo na may pagpapahalaga. At oh Diyos ko po, bahala ka na sa kanya"...

At sa kabutihang-palad ang bata ay nasumpungan. Nitong isang basurero na wala ring ka-alam-alam.
Swerte raw ang bata kung napulot sa basurahan. Dahil kapag tumanda na raw ito ay siya ang susupil sa kahirapan...

Eh ako nga rin hindi ko rin alam. Mang-mang ako sa mundo, sa mundo ng kapalaran. Swerte lang siguro ako dahil may mapagmahal akong magulang. Pero ano pa man ay hindi ko pa rin alam yang tinatawag nila na kung anong kapalaran...


..Y,



The most difficult character in comedy is that of the fool, and he must be no simpleton that plays that part. -Miguel de Cervantes


..Y,


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento