TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

→ panag-inip ←



Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. At sa aking pagmulat ako ay nag-isip-isip. Isa ba ito'ng babala mula sa aking pagkakapikit? O kabaligtaran ng mundo ko'ng salat sa pag-ibig?...

Sinaksak mo ng tinidor ito'ng kaliwa ko'ng mata. Sa utos ng kapatid mo'ng mukhang balyena. At may isa ka pang kapatid na sa magulang ko'y nag-iistorya. Ito daw anak kong panganay ay may malaking problema...

Ina, diyan po muna ang apo ninyo. Ako po muna ay aalis at may gagamutin ako. Itong mayor ng bayan ay may magandang payo. Uminom daw ako at kumain nitong sariwang buko...

At si ama ay nakatitig lang sa akin. Habang tinatanong siya ng kapatid kong nakakatanda sa akin. Tuloy ako ng lakad hindi ko sila pinapansin. At sa mga oras na iyon ako na nga ay nagising...

Umaga ng alas kwatro y medya. Tumutunog ang kampana habang may nagsasallah. Tumitilaok na ang manok habang iba'y sumusunod na. Gising na ang mundo ngunit waring ako ay tulog-na-tulog pa...

Hunyo disi-nuebe linggo ng umaga. Marami ng trisikel na dumaraan sa kalsada. Mga nakabihis ang sakay mukhang magsisimba. Habang ako ay naka-upo, habang isip ko'y kumakanta...

At isa lang ang sumagi sa isip ko. Bakit ako sinaksak nitong aking sinisinta?





We must accept finite disappointment, but we must never lose infinite hope. -Martin Luther King


..Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento