Ipakita mo man sa akin ang mga bagay na hindi dapat na makita. Tulad ng mga karumaldumal na gawain ng mga uhaw sa dusa. Tulad ng pagpatay, panggagahasa at terorista. Hindi kailan man malalason ang isip ko at kaluluwa...
Iparinig mo man sa akin ang mga hindi magagandang halimbawa. Murahin mo man ako ng mga masasakit na salita. Sigawan mo man ako hanggang sa mamula ang iyong mukha. Hindi kailan man malalason ang isip ko't kaluluwa...
Saktan mo man ako at alipustain. Batuhin mo man ako o pagsampal-sampalin. Durugin mo man ang puso ko at aking damdamin. Isip at kaluluwa ko'y hindi mo kailanman kayang lasunin...
Sapagkat ako ay matatag hindi balasubas. Wala sa lahi ko si Barabas at si Hestas. Hindi ako kaya ng isangdaang Hudas. Isama mo pa ang kampon ng mga demonyong mandurugas...
Hindi ako anghel karaniwan lang na tao. Tanging hangad ko lang ay matuto ng matuto. Malaman ang lahat na makakabuti sa iyo. Ang tulungan na gumawa na mapabuti ang mundo...
Hindi ako banal pero hindi ako gago. Hindi ako hangal pero hindi ako bobo. Hindi ako brutal pero hindi ako loko. Hindi ako ang Maykapal pero hindi ako ang demonyo...
I count him braver who overcomes his desires than him who conquers his enemies; the hardest victory is the victory over self. -Aristotle
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento