TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

≈ daang-agos ≈



Saan kaya ito patungo? Landas ba ito ng tagumpay o ng pagkabigo? Ano man ang mangyari tuloy pa rin walang liko. Tuloy ang agos dahil ang puso'y buong-buo...

Walang dapat katakutan sa bawat daraanan. Dahil bawat daan ay may patutunguhan. Ano man ang danasin ay may kahihinatnan. Alin man dito ay makakamit ang inaasam...

Basta tuloy lang sa agos huwag mahihibang. Kung sino man ang pipigil ay huwag papakinggan. Sapagkat ito ay laban mo hawak mo lahat ng kailangan. Huwag kang pagigiba hindi ito sapalaran...


You have come into a hard world. I know one easy place in it, and that is the grave. -Henry Ward Beecher



..Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento