Ano kaya ang isusulat ko ngayon? Tungkol saan kaya?, ano?, at kailan kaya iyon? Ako na naman ba o ikaw, o itong drama ng panahon? Ano nga ba, ano nga ba?, ano nga ba'ng araw ngayon?...
Titig sa lupa, titig sa langit. Naghahanap ng salitang aangkop sa hilig. Tinitingnan bawat mukha, tao at paligid. Ano ang aagaw sa eksena sa mapaglarong-isip?...
At may dumaan babaeng mataba. Kasama ang isang payat at uugod-ugod na matanda. Habang patakbo-takbo itong babaeng bata. Saan kaya tutungo itong tatlong mahiwaga?...
Maya-maya ay may isang-baliw patawid-tawid sa kalye. Nakikipag-patintero sa mga sasakyang-bumibyahe. Pasigaw-sigaw siya sa hindi nakikitang imahe. At may hawak-hawak na walang-laman na bote...
At tumunog na ang kampana ng simbahan. Hudyat na ng simula para sa bagong kapalaran. At dumating na nga itong tunay na kaibigan. Lilikha na siyang muli para sa isa pang kabutihan...
Goodness is the only investment that never fails. -Henry David Thoreau
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento