TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Nobyembre 28, 2010

≈ t'boli ≈




"Hayulafus" sabi nitong t'boli. Sagot ko'y magandang umaga rin at mabuti. At nang humapon na'y nag-salita siyang muli. "Hayukima", "hayukima". Magandang hapon kaibigang-pogi...

"Hayukifu bielem", magandang-gabi-i. Magandang gabi rin sa iyo,
"kinu-onni".
"Kinu-onna" na ba ako, ha-hani?
Salamat, "kinu-onnawam" kapag maganda ang yong ugali...

Iba-iba man ang wika, iba-iba man ang salita. Importante'y naramdaman ito nitong ating pang-unawa. At kung ang bawat salita ay bago sa huna-huna. Mapalad ka't nasumpungan mo, isip mo'y 'di na manghihina...

Malamang ay 'di mo maintindihan ang ibig ko'ng sabihin. Kung baga sa pagkain na 'di mo pa nakakain. Tulad ng mga prutas o iba't ibang lutuin. O kaya'y makahihilong masasarap na nakakalasing na inumin...

Tulad ng panaginip na walang istorya. Yun tipo'ng pag-iisipin ka't bakit iba't iba ang eksena. Yun tipo'ng 'di takot magkamali pero kaba'ng kaba. Yun tipo'ng bakit ang hirap tumakbo sa panaginip na sa palagay ko'y gano'n din ka...

Ngunit gano'n pa man na kahit hindi ko sila naiintindihan. Ako naman ay kanilang nauunawaan. Kahit lahat ng pinag-aralan ko'y walang-gamit sa gan'to'ng usapan. May sisibol at sisibol na bagong pagkaka-intindihan...

Dahil bago sa akin, bago rin sa kanila. Bago ang lahat simula pag-gising sa umaga. Bago ang gawain, bago ang panlasa. Bago ang gabi, bago ang inumin sa lamesa...



You teach me, I teach you. -jacob Tuyn




..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento