May mga bagay na kailangan ng gastos. Hindi s'ya tatakbo 'pag 'di ka gagastos. Pero mas marami daw ang ayaw gumastos. Kaya kadalasan ikaw ang gumagastos...
Nasanay na sinanay mo. Lumaking kapapalahingi naging abusado. Takbo ng takbo. Takbo ng takbo. Kaunting diperensya sa iyo tatakbo...
Kukura, hihingi, nang kung anu-ano. Pahiram ng ganyan, pahiram naman nito. Kulang na lamang ay hiramin ang itlog mo. At saka ang kaisa-isahan mo'ng milyon-milyong-piso...
Ayaw gumasta, wala daw pang-gastos. Tumatandang tamad, tumatandang bastos. Sarili ang iniisip at kahahambog pa gyud. Tigas ng mukha, kasing tigas ng bao ng niyog...
Ano nga ba ang gusto mo?, saan ka ba sinisipag? Ang sabi ng iba ay sadya ka raw na makunat. Minamana ba yon?, o sadyang hindi pinalad? Na biyayaan ng Lumikha ng kahit kaunting sipag...
Pero sabi mo'y madalas kang nag-iisip. Kung saan ka nga ba ba-bagay o kung ano ang iyong hilig. Mahilig kang lumangoy, mahilig kang sumisid. Bakit hindi ka maghukay unahin mo ang iyong isip...
At hindi baga madalas kang umiiyak. Sa mga palabas sa "t.v." na madramang-hinayupak. Bakit hindi ka mag-artista doon ay may bayad bawat luhang pumapatak. O kung ayaw mo naman e 'di toma na lang tayo d'yan sa tapat...
Lalasingin kita at pag-aaralan ko ang iyong utak. Didik-dikin ko ng pino saka ko ibibilad. Sisiguraduhin ko na walang "virus" na ina-amag. Kung pwede nga lang palitan ng "memory" yung nabibibili dyan yung "SD cards"?...
O sge na nga ganon talaga. Wala e hahaba lang ang istorya. Di na kita pipilitin di na kita isasalya. Wala e 'tigas talaga....
Between friends there is no need of justice. -Aristotle
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento