Itong bisekleta ko'y pagka-tibay-tibay. Wala itong kapareho, gawa ito ni tatay. Gamit ko sa pagpasok, wala itong sablay. Inggit sila sa akin sa bisikleta kong mahusay...
Palagi ko rin itong kasama saan man ako mapunta. Dinadala ako nito sa lugar na masasaya. Sa burol, sa sapa, para akong maharlika. Damang-dama ko ang ligaya na dulot nitong aking bisikleta...
Sarap na sarap ako habang kami'y umu-usad. Tuloy-tuloy walang hawak wari ko'y lumilipad. At 'pag kami'y pauwi na'y akay-akay ko siya pa-akyat. Hindi ako napapagod kapag siya ay aking hawak..
Kung maaari lang sana'y ayaw ko siyang ipahiram. Nasasaktan ako kapag nakita ko s'yang sinasakyan. Para akong nadudurog puso ko ay nagdaramdam. Kapag ibinangga nitong ka-iskwela kong walang alam...
Kaya naman madalas, palagi siyang nasisira. Ngunit ganon pa man, naa-ayos ko pa rin ito ng may kusa. Kaya sa araw-araw na ginawa ng Lumikha. Iba't iba ang nagiging kulay nitong bisikleta kong ubod ng gara...
:-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento