TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hulyo 19, 2010

=Sex Education=




PATNUBAY NG MAGULANG AY KAILANGAN

Titi ang ari kung ikaw ay lalaki. Puki naman kung ikaw ay babae. Ito ang basehan ng kasarian ng iyong lahi. Alagaan mo ito at unawain palagi...

Sa ari nakasalalay ang iyong kinabukasan. Maaring mabago ang iyong kasaysayan. Gamitin mo ito sa magandang paraan. At iaalay ng buo sa tunay na pagmamahalan...

Madali lang itong sabihin. Madali rin itong isipin. Pero sa kabilang-banda ay mahirap gawin. Lalo na sa kabataan na marupok pa ang damdamin. Ano nga ba ang dapat para ito ay unawain?

Kapag inabuso ang sariling kasarian. Malapit sa disgrasya, gano'n din sa kapahamakan. Bagamat parang langit sa sarap ay sukdulan. Kapalit naman nito'y habang-buhay na pagdaramdam...

Tinamaan ng sakit sa kuto ay nagtitiis. Bumabaho, nagnananana, puson ay sumasakit. May dugo na ang ihi, naluluha, namimilipit. Nawalan ng kaibigan dahil sa taglay niyang herpes...

At kalaunan ay lumala ng lumala. Na-ospital dahil sa AIDS na tumama. Tinaningan na ang buhay, suko na rin ang himala. Kalaunan ay namatay, kaawa-awa, batang-bata...

Gusto mo ba na humantong ka sa ganito? Huwag maging biktima, nagkalat lang ang mga ito. Huwag munang pairalin ang isipang maka-mundo. Mag-isip ng ilang beses kapag libog ay tumodo...

Nasa pamilya pa rin ang tunay na pag-asa. Para moral ng tao ay tuluyang maisalba. Ang pagpapahala sa buhay ang unawain tuwina. Respeto at paggalang sa kasarian ng isa't isa...





I like sex, it's nice. -Borat




:-*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento