Oo, nagsisigarilyo ako. Nagyoyosi ako at nananabako. Kulang ang buhay ko kapag hindi nakasigarilyo. Ang usok nito sa akin ay isang karinyoso...
Hindi ko na sasabihin kung ba't humantong sa ganito. Hindi ko na rin babalikan kung bakit ako natuto. Hindi ko na rin sisisihin si Philip Morris at Marlboro. Ang alam ko lang ay napa-liligaya ako ng mga ito..
Nababawasan daw ang buhay ng dalawang minuto. Sa bawat sindi ng isang stick nitong sigarilyo. Ayos lang sa akin kahit gawin mo pang tatlo. Kaysa naman dalhin ko sa misery ang sariling buhay ko...
Hindi na importante kung mauna ako sa iyong mamatay. Importante'y nagampanan ko ang mga gusto ko sa buhay. Wala akong inapi, wala akong pinatay. At mas lumawak ang isipan ko sa daloy nitong buhay...
Utang natin ang agham sa mga naunang siyentipiko. Sa mga imbentor at magagaling na arkitekto't pulitiko. Halos lahat ng magagaling ay naka-panigarilyo. Kaya't sa bawat pagtuklas at pag-unlad ay saksi ang usok ng tabako...
Waring gustong mong baguhin itong kinabukasan. Ngunit alamin mo muna ang buong kasaysayan. Kung papa'no ang mundo ay hinubog ng sang-katauhan. Mga ninunong nagbigay at naglahad nitong kaalaman. Sa usok ng sigarilyo'y may naisip silang mas maiinam...
Kung maari lang sana ay huwag na nating pagtalunan. Lalayo na lang ako, hindi kita pauusukan. Naiintindihan kita, lubos kitang nauunawaan. Huwag ka ng mag-alala, wala akong pagsisisihan...
B-)
He begins to die who quits his desires. -English Proverb
_¤
Ayos! _/|\_
TumugonBurahin