Siya si Tuglay, katutubo mula sa kabundukan. Milya-milya ang nilakad upang masilayan ang kanayunan. Kasama ang isa pang madalas na sa kabayanan. Mga walang pinag-aralan. Hindi man lang naka-tuntong kahit sa unang-baytang...
Kinausap ko ang isa kung s'an kanilang pinanggalingan. Nakatingin lang siya sa akin, mukhang hindi ako naintindihan. Binisaya ko ng konti, asa pa mo gikan? Ngumiti siya at tumugon, saka pa lang kami nagkaintindihan...
Paubos na ang aking bisaya. Mabuti na lang at may tambay na nakikinig na matanda. Nagsilbing tagapagsalin nitong tatlong salita.
Mula sa lumad, sa tagalog ko at sa bisaya. At humaba pa ng kaunti ang usapang hindi maipagkaila..
Bumaba raw sila para bumili lang ng sabon. Saka ng bulad at ukay-ukay na pantalon. Yon lang daw ang kasya sa isang buwan nilang inipon. Nang aking kinuwenta, wala pang tatlong-daan yon...
Pangangahoy ang kadalasan kanilang pinagkakakitaan. Ang magputol ng kahoy doon sa kagubatan. Araw-araw nilang ginagawa maulanan man o mainitan. Sa sweldong 300 pesos kada isang-buwan...
At doon na naputol ang istoryang abang-aba. Lalakad pa raw sila ng tatlong-oras na milya-milya. Napatingala ako at waring takang-taka. Tao at kalikasan ay parehong biktima...
In every trade and pursuit of life, both the rich and poor are to be found. -Talmud
^
haha!!! funny..\
TumugonBurahin