TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Abril 16, 2010

Gayuma




Kapag walang ginagawa ay kainip-inip. Pati ibang tao ay silip na silip. Katawan ay bumabagal habang isip bumibilis. Tuloy ang kinabagsakan naiinis nagagalit...

Ganito ang buhay sa kalye Ginayuma. Walang traysikel na dumadaan dahil binabato ng bola. Wala din dyip na dumadaan dahil hindi naman kaysa. At pag dumaan ka dito pihadong pagpe-pyestahan ka...

Wala kang ligtas kahit balahibo mo't balakubak. At kapag pumalag ka hahabulin ka ng itak. At 'wag na 'wag kang magsusuot ng alahas. Siguradong uuwi kang hubo at hubad...

Alam kong may nililgawan kang magandang dalaga. Doon nga siya nakatira sa kalye Ginayuma. Anak yon ng maton at kapatid ni Boga. Payo ko sa iyo a humanap ka ng iba...

Pero kung matigas ka eh 'di subukan mo. Pahatid ka na lang sa lahat ng mga kaibigan mo. Magsama ka na rin ng kahit tatlumpung-sundalo. Pati na lahat ng pulis sa buong presinto. Pero kung wala ka nang mga ito, tatag lang yan ng dib-dib, giting amigo...




Being deeply loved by someone gives you strength, loving someone deeply gives you courage. -Lao Tzu




B-)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento